Abante Tonite Interactive

Patatas, sagot sa maitim na kilikili!

By
0 1,009

Sa mga kababaihan o kahit sa mga binabae – kung type mong magsuot ng strapless na damit or blouse na spaghetti pero di mo magawa dahil sa maitim mong kilikili, ay patatas lang ang tum­pak na sagot.

Yes, you read it right! Patatas.

Hindi lang ito pang-french fries o mojos. Hindi rin lang basta sangkap sa potato salad o pang­halo sa menudo, adobo, kaldereta, afritada, nilaga o empanada kundi gamit ding pampaputi ng armpit.

Immediate-Hiring-Ads

Paano? Simple lang.

Una’y hugasan munang mabuti ang patatas. Hiwain ito nang maninipis at direktang ipahid sa kilikili.

Imasahe ito sa loob ng 15-20 minutes saka banlawan ng malinis at lukewarm na tubig.

Puwede ring kudkurin ang patatas at ipahid ang katas nito sa dark underarms. Ha­yaang matuyo sa loob ng 15-20 minuto saka banlawan

Gawin ito ng dalawang beses sa loob ng isang araw.

Tandaan na isa sa dahilan ng pangingitim ng kilikili ay dulot na rin ng shaving o palagiang pag-aahit, pagtiya-tiyani o pagbunot ng buhok, paggamit ng hair removal creams o deodorants, excess sweating, sunrays, accumulated dead skin, friction at iba pa.

Pero sa simpleng patatas ay puputi na ang inyong kutis di gaya ng paggamit ng strong bleaching agents na nagiging sanhi minsan ng skin irritation.

Ito ay dahil sa may catecholase ang patatas, isang enzyme na unti-unting nakakapagpaputi ng balat.

Mayroon din itong taglay na mild bleaching properties at anti-oxidants na makatutulong para mabura ang stretchmarks at mabatak ang kulubot, peleges o wrinkles.

Ngunit kung ang maitim mong kilikili ay may maselang kondisyon, maiging komonsulta muna sa doctor for proper diag­nosis at treatment.