Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patawad Rain or Shine – Wong

0 353

Nag-sorry rin si Adrian Wong sa Rain or Shine teammates via Viber group ng Elasto Painters.

Pero hindi pa sila nagkakausap nang personal ni coach Caloy Garcia.

“Everybody accepted the apology and I’m also ready to do that once we talk, once na kami mismo magkausap,” anang Painters coach kahapon.

Kasama si Wong sa naglaro ng limahan sa Ronac Gym sa San Juan noong Miyerkoles. Nakunan ng video ang scrimmage, nakita rin sina Japeth Aguilar ng Ginebra, dating teammates ni Wong sa Ateneo na sina Isaac Go at Thirdy Ravena, at si Kobe Paras ng UP.

Hindi pa pinapayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang five-on-five o scrimmages.

Pinagmulta ng PBA ng tig-P20,000 sina Aguilar at Wong, pinag-COVID-19 swab tests at tig-30 hour community services.

Fifth pick ng RoS si Wong noong December at pinapirma ng two-year contract.

Pinagsabihan ni Commissioner Willie Marcial si Go, top pick ng Terrafirma sa 2019 Special Draft at on loan sa Gilas. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.