Abante Tonite Interactive

Patawid na lola sinalpok ng rider

By
0 123

Patay ang isang lolang pedestrian nang masagasaan ng isang motorsiklo habang tumatawid habang sugatan naman ang tinedyer na driver at angkas nito kamakalawa sa Parañaque City.

Hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Doctors Hospital si Melagros Centino, 74, nakatira sa Santa Ana Drive, Brgy. Sun Valley ng nabanggit na lungsod sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa katawan.

Ginagamot naman sa Commcare Clinic ang sugatang rider na si Mico Salcedo, at ang angkas nito na si Agnes Salcedo, 50, kapwa taga-Zone 1, Lower Santa Ana, Brgy. Sun Valley, Parañaque City.

Sa imbestigayon ng Parañaque City Traffic Bureau, naganap ang insidente dakong alas-7:05 nang gabi sa Santa Ana Drive.

Minamaneho ng batang Salcedo ang kanyang Honda XRM motorcycle, na may plakang ‘for regis­tration’ at angkas nito ang matandang Salcedo nang

hindi nito nakontrol ang preno ng kanyang motor habang tumatawid si Centino hanggang sa nasalpok nito ang matanda.
Sa lakas nang pagkakabangga, tumilapon ng ilang metro ang biktima at nahulog din ang dalawang Salcedo mula sa motorsiklong sinasakyan nila.

Sa ngayon ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide si Mico habang patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa insidente.