Abante Tonite Interactive

Patawid na lolo sinalpok ng motorsiklo

129

NASAWI ang isang 69-anyos na lolo nang nabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Noveleta, Cavite.

Namatay habang ginagamot sa Divine Grace Medical Center ang biktimang si Warlito Tadeo, may-asawa, vendor ng Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite. Hawak na ng pulsiya ang driver ng motorsiklo na si Arman Villanueva, 45, binata, ng Brgy. Wawa 3, Nove­leta, Cavite.

Sa ulat ni PSSg. Rodel Abutin, ng Nove­leta Municipal Police Station, naglalakad ang biktima at papatawid sa kalsada sakop ng Brgy. Magdiwang ng naturang bayan dakong alas-7:30 kahapon ng umaga nang mabangga ng motorsiklong minamaneho ni Villanueva na noo’y patungo sa Kawit.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon ang katawan nito ng ilang metro at dahilan din ng matinding sugat sa kanyang ulo.

Isinugod pa ang biktma sa ospital subalit namatay ito habang ginagamot. (Gene Adsuara)