Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patawid na master sergeant, binundol ng lasing

0 304

TUMILAPON at malubhang nasugatan ang isang opisyal ng pulis matapos mabangga ng isang Sport Utility Vehicle (SUV) habang tumatawid sa national road sa Bonfal West, Bayombong, Nueva Vizcaya noong Biyernes.

Ang biktima ay nakilalang si P/EMS Roger Barroga, 51, miyembro ng Villaverde Police Station at residente ng Bintawan, Villaverde, Nueva Vizcaya habang ang tsuper ng SUV ay si Meldrique Dumlao, 24 anyos, freelance architect, ng Solano, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon, ayon sa Bayombong Police Station (BPS), patungo sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya si Dumlao nang mabangga ang patawid na pulis.

Ayon sa BPS traffic bureau, tumilapon si PEMS Barroga at nagtamo ng mga sugat sa katawan na agad itinakbo sa pinakamalapit na ospital.

Sinabi ng pulisya na nakainom diumano ng alak si Dumlao nang mangyari ang aksidente.

Dinala si Dumlao sa BPS at sasampahan siya ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries habang ang biktima ay naka-cofine ngayon sa ospital. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.