Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patawid na misis, dedbol sa nakamotor

0 138

HINDI na umabot ng buhay sa ospital ang isang ginang nang mabangga ng isang motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Tagaytay City Linggo ng umaga.

Isinugod pa sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Gemma Calalang y Isanan, 54, ng Silang, Cavite subalit idineklara ding dead on arrival.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Jervy Garganta y Atienza, 33, binata, ng Angono, Rizal.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni PSSgt Edward Sytiao, ng Tagaytay City Police, minamaneho ni Garganta ang motorsiklo niyang Suzuki sa Tagaytay-Aguinaldo Highway patungong Silang dakong alas-11:15 ng umaga nang pagsapit sa Brgy. Maitim II East, Tagaytay City ay nabangga nito ang biktima na noon ay papatawid sa kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang biktima at tumama ang ulo sa konkretong semento dahilan ng kanyang kamatayan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.