Abante Tonite Interactive

Patay binuhay sa Martin serye

By
13

MAY mga nagsasabing dapat galingan ni Martin del Rosario ang kanyang portrayal bilang si Barbs sa Cignal Cable series na Born Beautiful, ang spin-off ng pelikulang Die Beautiful ni Paolo Ballesteros, dahil mas magaling daw umarte si Christian Bables, ang aktor na original na gumanap sa nasabing character.

Sabi naman ng isa sa producers ng Born Beautiful at better-half ni Direk Jun Lana na si Direk Perci Intalan, hindi matatawaran ang galing sa acting ni Martin, kaya hindi sila nagwo-worry.

“Honestly, wala naman akong narinig na ganoon. Saka URIAN awardee si Martin at marami na ring pelikulang pinagbidahan. Naka-work na namin siya sa isang pelikula kaya wala kaming question sa galing niya as an actor!

“Saka nag-work si Jun with Martin in developing his interpretation sa character ni Barbs.

Siyempre nandoon ‘yung endearing qualities at ‘yung puso ng character, pero siyempre ayaw naman ni Jun na ikahon si Martin, magaling na aktor eh, so, dapat ding bigyan siya ng chance na buhayin si Barbs on his own.

“Full support naman lahat ng team kay Martin, pati si Paolo Ballesteros nga nandoon noong mag-work sila ni Jun for his interpretation sa character ni Barbs, kaya wala namang problema. Maganda ang kinalabasan noon!” sabi ni Direk Perci.

Samantala, surprise raw ang partisipasyon ni Paolo bilang Trish sa Born Beautiful dahil sa Die Beautiful nga ay namatay na siya. Bakit kailangan pang ilihim ang partisipasyon ni Paolo sa Born Beautiful?

“Hahaha! Hindi naman, pero kung ano ang mga gagawing eksena ni Paolo sa Born Beautiful, abangan na lang nila! Ayaw na naming ikuwento pa!” say pa ni Direk Perci.

Annabelle naawa sa taong nanloko sa kanya

KAHARAP kami nang lapitan si Annabelle Rama ng isang dating tauhan niya na tinanggal niya dahil sa issue sa pera. Bago siya lapitan ng dating tauhan, pinadalhan muna siya nito ng birthday gift.

Pagtingin ni Bisaya sa paper bag na ipinaabot sa kanya ng dating tauhan, Sto. Niño ang laman noon. Devotee ng Sto. Niño sa Cebu City si Bisaya, kaya lumambot kaagad siya nang makita ang iniregalo sa kanya ng dating tauhan.

Maya-maya, lumapit na sa kanya ang dating tauhan at pinatawad naman ‘yon ni Bisaya.

Umiiyak na niyakap si Bisaya ng dating tauhan.

“Alam mo naman, malambot din ako kapag iniyakan na at saka alam niya talaga na devotee ako ng Sto. Niño, kaya natuwa ako sa iniregalo niya sa akin, kaya kung anuman ‘yung naging problema niya sa akin noon, kakalimutan ko na!” sabi ni Bisaya.