Abante Tonite Interactive

Patay na preso sa Cavite, 27 na

370

Umabot na sa 27 preso ang naitalang namatay matapos na isa pang preso ang nalagutan ng hininga habang nakakulong sa Dasmariñas City Custodial Center.

Sa ulat ni Corp. Aaron John Golo ng Dasmarinas City Police Station, alas-8:15 noong Hulyo 24, 2019 nang isugod sa Pagamutan ng Dasmarinas City si Eduardo Garcia Sr., may-asawa, ng Block 19 Lot 17, Barangay St.

Peter 2, Dasmariñas City, Cavite, matapos makaramdam ng hirap sa paghinga. Gayunman, dakong alas-10:30 kamakalawa nang gabi, nang ideklara itong patay ng mga doktor.

Si Garcia ay nakulong noong Pebrero 15, 2019 dahil sa kasong murder.

Pang-27 na ito sa bilang ng mga namamatay na preso mula Enero 2019.

(Gene Adsuara)