Abante Tonite Interactive

Patay sa Cavite custodial center ngayong 2019, 4 na

216

Ni Gene Adsuara

Sa ikalimang araw ng Enero, apat na ang naitalang namatay na preso at isang babaeng preso ang hindi na umabot ng buhay sa ospital habang nakakulong sa Bacoor City Custodial Center.

Sa report ni PO3 Francis Mark Cortez ng Bacoor City Police Statation, ika-10:45 kamakalawa ng gabi nang isugod sa Las Piñas District Hospital si Melly Benosa alyas Nelly Venisyo Insiyo, 54, may-asawa, ng 14 New Caaluan Tinambac, Camarines Sur dahil umano sa kanyang karamdaman subalit dakong alas-2:45 ng madaling-araw nang ideklara itong patay.

Naaresto at nakulong si Benosa noong Disyembre 22 dahil sa kasong pag­labag sa RA 9165.

Si Benosa ang pang-apat sa bilang ng mga namatay na preso ngayong taon 2019 kung saan u­nang naitalang namatay si Conrad Ibon noong Enero 02, habang magkasunod na namatay kamakalawa si Cristituto Leveriza, 49 at Joy Castillo, 42, kapwa nakakulong sa Bacoor City Custodial Center.