Abante Tonite Interactive

Patay sa Coronavirus sa New York 2000 na!

590

Pumalo na sa 2,000 ang bilang ng mga namatay sa coronavirus sa New York ang sinasabing epicenter ng COVID- 19 sa buong Estados Unidos

Kabilang sa 2,000 namatay ang isang sangol sa Cook County sa Illinois na siyang kauna-unahang sangol na namatay dahil sa coronavirus.

Tatlong police din muna sa New York Police Department ang namatay habang mahigit isang daang NYPD police ang nagpositibo sa virus

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng sakit na ngayon ay aabot na sa mahigit 120,000 katao.

Naglalayag na ngayon patungong New York City mula sa Virgina ang USNS Comfort Navy’s hospital ship na kayang gumamot ng isang libong pasyente.

Ipinadala ang Navy Hospital Ship sa New York City para ayudahan ang mga hospital na punong-puno na ng mga pasyente.

Samantala, inihayag ni US President Donald Trump ang posibleng pagsasailalim sa quarantine ng New York, Connecticut at New Jersey na ngayon ay nasa ilalim ng stay-at-home order.

Sa panukalang quarantine ni Trump wala nang papayagang lumabas at pumasok sa naturang mga state sa loob ng labing apat na araw. (Dave Llavanes Jr .)

Tonite – Wendys Inhouse Ad