Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patay tayo sa balik ECQ – Roque

0 466

Ipinaliwanag ng Malacañang na hindi na kakayanin ng bansa na magpatupad uli ng lockdown kung kaya’t inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa halip na ECQ.

“`Yan po ay compromise dahil talagang hindi na natin kakayanin ang complete lockdown,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ang pagbabalik aniya ng MECQ sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan ay pagbalanse sa kalusugan ng mga mamamayan at sa ekonomiya ng bansa.

“Ganun kasi ka-complex at controversial ang desisyong ito. Nais man nating sabihin na ECQ [enhanced community quarantine] talaga ang solusyon para matigil ang pagkalat ng sakit, pero kung wala naman ayuda, mamatay naman sa gutom ang mamamayan kung hindi sila mamamatay sa COVID,” paliwanag pa nito.

“Ang importante naman, magbukas tayo ng kahit papano ng ating ekonomiya. Pero, by and large, this is still lockdown, ‘wag kayong magkakamali,” aniya pa. (Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.