Abante Tonite Interactive

PATAYIN ANG MGA DRUGGIE COPS!

By
6

“Kung ako lang ang masunod gusto pagpapatayin na lamang ang mga pulis na sangkot sa droga.”

Ito ang mabagsik na pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General ­Ronald dela Rosa matapos na sang-ayunan ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaki ang bilang ng mga pulis na sangkot sa ilegal na droga.

Ngunit nilinaw ni Dela Rosa na gusto man daw umano nilang pagpapatayin ang mga pulis na itong pasaway sa organisasyon ay hindi nila ito gagawin dahil ito ay iligal.

Kasabay nito, sinabi ni PNP chief na tama ang pahayag ng Pangulo na nasa 9,000 pulis ang sangkot sa iligal na droga sa buong Pilipinas sa pagdalo nito sa 116th commemoration ng Balangiga encounter.

Noon batay sa kanilang datos nasa dalawang porsiyento lamang ng 175 ,000 tauhan at opisyal ng PNP ang sangkot sa iligal na droga pero ngayon kung pagbabatayan ang 9,000 na sinasabi ng Pangulo ay lumaki ito ng kung ilang porsiyento.

“Tama ang ­Pangulo, una pa lang may ­dalawang porsyento na sa kabuuang 175,000 pulis ang alam kong sangkot sa droga pero hindi ko inaasahan na lumubo na pala ito sa mahigit limang porsyento. Pero hindi naman lahat sangkot sa sindikato,” wika ni Dela Rosa.

Nilinaw nito na sa nasabing datos na inilabas ng Pangulo, kasama ang mga aktibong pulis na una na nilang nasampa­han ng kaso.

Ang compilation ni Pangulong Duterte ay mula sa NBI, NICA, PDEA, Civilian intelligence at iba pang intelligence services.

Sa ngayon ay patuloy umano nilang tinututukan ang mga pulis na sangkot sa iligal na droga.