Abante Tonite Interactive

Pati katas ng babae sinisi sa COVID

1,412

Nagulat ako sa sinabi ng isang kilalang televangelist na ang liquid na nanggagaling sa ari ng babae ang pinagmulan ng coronavirus disease o COVID-19. Kahit noong Marso 2020 pa yata ito binigkas ng televangelist, muli itong lumutang sa social media nitong mga nagdaang araw.

Tinutukoy ko si Pat Robertson o Marion Gordon “Pat” Robertson, ang 90 anyos na American media mogul at chairman ng Christian Broadcasting Network na araw-araw napapanood sa The 700 Club. Isa rin siyang political commentator, dating Republican presidential candidate at ex-Southern Baptist minister.

Sa kanyang programa, binanggit ng televangelist na: “Some of these young ones are doing all kinds of unnatural things with their sex organs. When people do that, they transfer all kinds of chemicals from ladies’ private parts and that’s where I think the virus came from.”

Noong kabataan daw kasi ni Robertson, hindi pa uso ang oral sex. “We never had this kind of thing when I was coming up. But no one was committing oral sex back then.”

Naniniwala naman kaya ang mga follower ni Robertson sa kanyang sinabi? Meron siguro. Pero dito sa Pilipinas, baka pagtawanan lamang siya. Kahit dominante ng Roman Catholic ang Pilipinas, wala naman sigurong maniniwala na nanggaling sa katas ng babae ang coronavirus.

Sa panahon ngayon ng coronavirus crisis, naglalabasan ang iba’t-ibang opinyon, kuro-kuro, suhestiyon, mga karaingan at iba pa. Opinyon ito ni Robertson pero puwede itong masabi na fake news dahil sa wala namang basehan ang kanyang sinasabi. Hinala kasi ng mga eksperto, nanggaling ang COVID mula sa mga paniki sa pamilihan sa Wuhan, China. Mahihilig kasi sa exotic food ang mga Chinese.

Sa Pilipinas, baka raw lumobo ang populasyon pagkatapos ng enhanced community quarantine. Kaya suhestiyon ni Albay Rep. Edcel Lagman, rasyunan ng condom at contraceptives ang mga mahihirap na mag-asawa. Ngayong lockdown kasi, madalas magkulong sa kuwarto ang mga mag-asawa. Alangan naman na nagja-jack en poy lang sila sa kuwarto.

Siyempre, kasama na sa foreplay ng mag-asawa ang oral sex. Kung totoo ang sinasabi ni Robertson, eh ‘di sana ay lalo pang lumolobo ang kaso ng COVID kahit na sa mga taong walang travel history, naka-home quarantine at walang exposure sa mga nagpositibo, persons under monitoring at under investigation. (END)

Tonite – Wendys Inhouse Ad