Abante Tonite Interactive

Patikim visual art exhibit

192

Binisita ng Migration Advocacy and Media Award recipient na si Jennifer Fergesen, Filipino-American writer na nakabase sa California ang ‘Patikim! The Art of Hospitality Visual Art’ Exhibit na ginanap nakaraang taon sa Art Center, Level 4 ng SM Megamall Building A.

Ang art exhibit ay inorganisa ng Mama Sita Foundation.

Si Fergesen ay wagi sa kanyang globe-trotting food journalism project – The Global Carinderia sa Diamond Hotel sa Manila Bay.

Ang Visual Art Exhibit ay ginawa bilang ­pagkilala sa roots ng Filipino food, agriculture at hospitality na nagtatampok sa mga ­painting at sculptures ng Filipino Artists na gawa ni ­Sarah Alcantara.

Kasama rin sa Art Gallery Circle ay pinasinayaan ng Mama Sita ang exhibit para tulu­ngang iangat ang Philippine culinary heritage sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng visual art.