Abante Tonite Interactive

Patricia, Jobelle, Shanon pukpukan sa Miss PH Earth

468

Matindi ang laban ngayong gabi sa koronasyon ng Miss Earth Philippines 2019 sa Cove sa Okada Manila.

Makasungkit kaya ng titulo sina Patricia Maye Hoffman ng General Santos City, Jobelle Lyra Pajanel ng Mansalay, Oriental Mindoro at Shanon Tampon ng Caloocan City?

Si Patricia ay 20 years old, may sukat na 34-24-26. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Medical Technology sa Notre Dame of Dadiangas University. Naging Miss Philippines Earth Southern Mindanao 2019 at Mutya ng Bula 2016.

Naging Miss Oriental Mindoro First Runner Up 2015 naman si Jobelle. Siya’y 23 years old, may sukat na 32-22-34 at taas na 5’8”. Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Hotel and Tourism Management sa Mindoro State University.

Hindi rin pakakabog ang Ms. Caloocan 2019 na si Shanon. Siya’y 22 years old, may sukat na 33-23-35 at may taas na 5’6 ½”. Marketing Graduate from FEU-Diliman currently working as VP-Sales and Marketing for a Mechanical Construction Company. Pangarap niya na magkaroon ng animal rescue shelter sa hinaharap.

Sino kaya ang papalaring magwagi sa kanilang tatlo? (Roldan Castro)