Abante Tonite Interactive

Patricia sasabak sa Mrs. Universe PH

1,153

Kakaibang episode ang napanood sa show na Abantelliling sa Abante TNT Live. Naging informative nga ang show dahil tungkol sa kalusugan ang tema.

Ang bisita ng show ay sina wellness & beauty showbiz couple Patricia Javier and Doc. Rob Walcher, isang chiropractor, na nangangalaga sa problema sa spinal cord. Tumutulong ang chiropractic treatment sa restoration sa back injury at sickness prevention din ito.

Napag-alaman din na sasabak si Patricia sa Mrs. Universe Phili­ppines sa darating na Sept. 8 sa Resorts World. Ito ay umano ang paraan ni Patricia upang makatulong sa komunidad at mai-share ang tungkol sa chiropractic treatment.

Hindi rin nakakalimutang tumulong ng mag-asawa sa kapwa tulad na may tinutulungan sila charity na Hope for Lupus. Nakatakda ring sumabak ang mag-asawa sa pag-produce ng movie tungkol OFW na ang target makasali sa filmfest.

Siyempre serious man ang usapan hindi pa rin mawawala na kasiyahan na tatak na ng ‘Abantelliling’ tandem na sina ­Dondon Sermino at Rey Pumaloy.

Game na game na sumabak sa fun game ang couple gaya ng Pilipino tongue twister and love test na bentang-benta sa manonood. Matutunghayan ang buong interview sa Facebook fanpage na Abante News Online at website na www.tnt.abante.com.ph. (Jean M. Pasco)