Abante Tonite Interactive

Patrick Antonio, iba sa Pasay ‘Encuentro’

266

Mga tanyag na gamefowl breeder ang magtutuos sa “Encuentro Big Event 5-Stag Derby Part 4” na may 150 sultada sa Pasay City Cockpit ngayon, Biyernes, Dec. 6.

Ang 12 team at ilang miyembro: LGBA South (sabong idol Patrick Antonio at Arman Santos), Tarlac VY (Rep. Vic Yap at Pipo Soliman), Quezon (Honey Yu at Kaka Nesmith), UAD (Paolo Malvar), Rizal (Raymond Burgos) at Manila Cockers (Boyet Plaza at Hector Magpantay).

Kasali rin ang UMCGBA (Ted Macadagdag at Rene Pinuela), Mindoro (Chris Nuestro), LGBA North (Biboy Enriquez at Nick Crisostomo), Cavite Highlander (Sablan Valley GF), Kapampangan (Arnel at Lito) at La Union (Rey Directo at Jenny Asunto).

Hiwalay na premyo ang naghihintay sa team at individual champion/s mula sa Sagupaan Agricultural Products inc.

Team champion, P400,000; individual champion, P400,000; runner -up, P50,000; any 4 points, P100,000; any 3 points, P200,000; handler, P35,000 at gaffer, P15,000.

Samantala, puwede ang straight seven stags sa semifinals ng “PFGB Digmaan 11-Stag National Derby” sa Pasay Cockpit sa Lunes, Dec. 9. (Enjel Manato)