Abante Tonite Interactive

Patrick, Joey, Buboy, Muroy sa ‘Big Event 6 Stag Derby’

0 84

May 150 bigtime sultada ang pambato ng “Triple J Gamefarms Big Event 6-Stag Derby” ngayong Biyernes sa Pasay City Cockpit.

Paborito ang mga lumahok sa nakaraang World Pitmasters Cup 9-Stag Derby: sabong idol Patrick Antonio,  Joey at Buboy delos Santos, Muroy Dolorico, Arman Santos, Mayor Francis Espiritu, Danny Buldog, RJ Mea, Pol Estrellado, Jun Cuello, Charlie “Atong” Ang at Gerry Ramos.

Suportado ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000 ang pasabong na ito nina Jervy Maglunob at Noel Cosico ng Laguna. 

Aabot sa P1.5 milyon ang kabuuang premyo.

Kasunod sa PCC ang final round ng “2018 PFGB National Digmaan 11-Stag Derby” sa Lunes, Dis. 10 (para sa may iskor ng 4, 4.5, 5, 5.5 at 6 points).

Sina Gov. Eddiebong Plaza at Ting Coscoluella ang hosts ng “Special Request 5-Stag Derby” sa Dis. 14.