Abante Tonite Interactive

Patrimonio, NU kopo ang korona

262

Sa pangunguna nang nahirang na MVP Anna Clarice Patrimonio, sinungkit ng National University ang fifth women’s crown sa huling anim na seasons nang itumba ang De La Salle University, 3-1, sa UAAP season 81 lawn tennis tournament nitong Martes sa Colegio de San Agustin courts sa San Jose del Monte City.

Nilapa ng Lady Bulldogs ang 2-0 sweep sa best-of-three Finals series.

Kinumpleto ng second doubles nina Jzash Canja at Annie ang tagumpay ng NU matapos paluin ang 6-2, 6-2 panalo laban kina Kiezel Diaz at Jenni Dizon.

Unang umiskor ang Lady Archers nang manalo si Angel Santiago sa first singles kay Zam Dumlao, 6-3, 6-1.

Nakatabla ang NU sa 1-1 nang manaig si Mae Bornia at Alliah Elline Tobias Ragunton kina Jed Vallie Rayne Aquino at Arianne Nillasca, 6-3, 6-4 sa first doubles.

Pero nakuha ng Lady Bulldogs ulit ang unahan nang manaig si Patrimonio kay Aubrey Calma, 6-3, 6-1 sa second singles.

Nahirang si Patrimonio, anak ni former PBA great Alvin, ang pangatlong season MVP award.

Si Shaira Rivera ng Ateneo de Manila University ang Rookie of the Year. (Elech Dawa)