Abante Tonite Interactive

Patriomonio binasag ang ilong ni King

696

Noong unang matikman ni Alvin Patrimonio ang larong-PBA, nagkaroon na agad siya ng ‘ilag’ factor kay Abe King.

National team player pa noon si Patrimonio, naging guest team sila sa liga. Kaputukan naman ng pangalan ni King bilang isa sa finest defenders sa pros.

Nasobrahan ang intimidasyon na inabot ni Patrimonio – “May trauma ako kay Kuya Abe King.”

“Guest team kami noon,” kuwento ni Kap sa isang katuwaang video call. “Nag-drive ako sa kanya, tinamaan ko ‘yung ilong niya. nabasag.”

Pagpasok ni Patrimonio ng PBA noong 1988 bilang direct hire ng Purefoods, hindi nawala ang ilang niya kay King.

“’Yun talaga ‘yung trauma ko,” pagpapatuloy niya. “’Nung championship (All-Filipino, 1990) ng Presto-Purefoods, siya bumabantay sa akin. Talagang hindi ko mailabas ‘yung pihit ko.”

Match na match sila – parehong 6-foot-3, pareho ding power forward.

Nabunutan ng tinik si Patrimonio nang makalipas ang tatlong taon ay naging magkakampi na sila ni King.

“Ang galing ni coach Chot (Reyes). Grabe ginawa ni coach Chot noon,” wika nito. “Sabi niya, sino bumabantay sa amin ni Jerry (Codinera) na puwedeng kunin for the team.”

Kinuha nga ng Purefoods si King, at nagkaroon ng veteran presence ang Hotdogs. Malaking bagay raw siya sa team.

“Imagine, 1993 ‘yung San Miguel team grabe ang lakas, sobrang lakas ng lineup na ‘yun. Pero dahil nasa amin si Kuya Abe, siya ‘yung parang stabilizer. Siya ‘yung veteran na ‘kung may aano (mambu-bully) sa atin, andito ako,’” dagdag ni Patrimonio.

“Siya ‘yung leader, siya ‘yung kuya namin na hindi kami pababayaan. 1993-94, para kaming nakasandal sa pader. Ibang klase ‘yung batch na ‘yun, masaya.”

Nakadalawang titulo pa si King sa Hotdogs bago nag-retire. (VE)

Tonite – Wendys Inhouse Ad