Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patrolman dinagit, ika-2 na sa Maynila

0 103

Panibagong pulis-Maynila ang dinukot sa kanyang bahay ng lima katao kabilang ang isang babae kahapon sa Sta.Mesa, Maynila.

Kinumpirma ito ni Manila Police District Director PBGen Leo Francisco kung saan ang biktima ay si Pat. Real Lopez Tesoro, 41, huling nakatalaga sa MPD-PS7 at nang masuspinde ay itinalaga sa RPHAS, NCRPO holding area, taga-Sta Mesa, Maynila.

Sa ulat ng MPD-PS 8, base sa reklamo ng kinakasama ni Tesoro na si Mary Ann Gervacio, alas-10:05 ng umaga nang kunin ang biktima sa may V Mapa Ext., Brgy 601, Sta Mesa.

Nakasakay umano sa dalawang SUV na kulay itim na hindi naplakahan ang 5 suspek at sapilitang isinakay si Tesoro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa impormasyong nakuha, matagal umanong naka-assign sa Phil Drug Enforcement Group ng MPD-PS 7 ang biktima bago ito nasuspinde sa tungkulin. Pinabubusisi na ngayon ang record ng pulis.

Nalaman din na si Tesoro ay ka-batch umano ni Cpl. Allan Hilario sa “14-01” PNP na unang dinukot noong nakalipas na linggo sa Binondo, Maynila.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng MPD sa posibleng motibo sa pagdukot sa dalawang pulis. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.