Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patrolman nagwala sa ospital lagot kay Eleazar

0 66

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) chief P/Gen. Guillermo Eleazar ang insidente ng isang pulis na dinala sa isang ospital sa Valenzuela City na nagmura at binantaan pa ang hospital staff dahil gusto nitong maasikaso agad.

Inatasan ni Eleazar ang Northern Police District na imbestigahan ang pangyayari.

“Hindi natin kukunsintihin ang ganitong klaseng asal at tinitiyak ko na pananagutin natin ang pulis na ito kapag lumabas sa imbestigasyon ang kanyang pagkakasala.”

Sa report, nagbanta umano ang pulis na kinilalang si Patrolman Angelo Mendoza Abalo, 37-anyos, na gagamitin o magpapaputok ng baril kung dala niya lang ito.

SM food to go Banner Ad

Itinakbo si Abalo sa Valenzue­la Emergency Hospital dahil sa high blood pressure.

Pero sa triage area, agad siyang nagpakilala na pulis at nagsabi umano na, “T*ngina naman, nagpakilala na akong pulis. Kung hawak ko lang ang baril ko, binaril ko na kayo.”

Kabilang sa pinagbantaan niya ay isang nurse.

Agad nagsumbong ang kawani ng pagamutan sa barangay at sa pulisya, na pumunta sa naka-confine na si Abalo. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.