Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patrolman tigok sa SAF training

0 370

Nasawi ang isang pulis na sumasailalim sa training course ng Philippine National Police-Special Action Force PNP-SAF) matapos na isugod sa ospital nang sumama ang pakiramdam sa Calatagan, Batangas.

Kinilala ang namatay na si Patrolman William Villararosa Jr., taga-Amulung, Cagayan.

Batay sa report ng Calatagan Police, binawian ng buhay ang biktima noong Miyerkoles ng madaling-araw habang nilalapatan ng lunas sa Metro Balayan Medical Center.

Itinakbo si Villararosa sa ospital noong Martes ng hapon nang makita na lamang itong walang malay hindi kalayuan sa SAFTB Annex admin building habang nagsasagawa ng map reading and land navigation exercises.

Ayon sa attending physician, gastro intestinal bleeding ang sanhi ng pagkamatay ng pulis.

Isinailalim pa rin COVID-19 swab test ang labi ng biktima. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.