Abante Tonite Interactive

PATRON NG MGA KUTO

By
245

HA! HA! HA! HA! Tawang-tawa ako sa Facebook post ng kaibigang Sir BONG ­OSORIO, kaya heto… nagbalik pansalaman­tala ang JLP.

“Blasphemous ­humor. Patawa lang po,” babala ni Sir Bong.

POST HOLY WEEK POSTS

T: Sino ang patron saint ng gas stations?

S: Petron saint.

T: Sino ang patron saint ng mga kuto?

S: St. Therese.

T: Sinong saint ang unang nagpa-picture?

S: St. Ignatius who was shot with a canon.

T: Sino ang ­patron saint ng mga nawawalang gamit?

S: Saint Look.

T: Ano ang unang computer sa Bible?

S: Apple.

T: Sinong Biblical figure ang pinaka-­hi tech?

S: Si Moses na unang nagka-tablet.

T: Sinong next na pinaka-hi tech kay ­Moses?

Samsung & Delilah.

T: Bakit mas mara­ming mayaman sa Old Testament?

S: Andoon sina ­Profit Isaiah, Profit Jeremiah, ­Profit Ezekiel, puro Profit.

T: Sinong saint ang nag-imbento ng ­telepono?

S: Peter. Dahil sa ­dinayal ni Peter.

T: Bakit walang maka-contact sa phone bago ipinanganak si Jesus?

S: B.C.

T: Bakit napagkamalang illegal loggers ang mga apostoles? S: Dahil sa Axe of the Apostles.

T: Sino ang pinakamalaki ang katawan sa evangelists?

S: St. Machu.

T: Sino sa mga apostoles naging gulay?

S: Judas is carrot.

T: Bakit malungkot si Jesus?

S: Jesus cries.

T: Eh bakit siya umiiyak?

S: Overweight kasi only Bigatin son.

T: Ano ang business ni Jesus?

S: Sa malamig… ­Kasi, He is the King of the Juice.

T: Bakit mayaman si Jesus?

S: Jesus saves.

T: Bakit nagalit si ­Jesus kay Mary?

S: Imakulit eh ­Jesus wants us to be happy ­kasi he is the Masaya.

***

Related Posts

Maraming nag-share sa FB ng BABALANG ito!

Mga guys, kung ­sino mang hindi nakakaalam!!!

ALERT po tayong ­lahat, mga kababayan.

Sinugod na ng China ang Palawan. Nag-text sa akin ‘yung kamag-anak kong seaman, ang dami na raw dumaan na barko at eroplano ng China.

Hindi pinalabas sa TV. Baka kasi ­mag-panic ang lahat. Paki -share na lang po para malaman din ng iba.

Mas magandang makapaghanda tayo. World War III na yata ito!

Pero dahil kakampi natin ang bansang America at Japan, darating sila kasama ang Avengers, Suicide Squad, Fantastic Four, X-Men, Iron-Man, Spiderman, Batman, Wonder ­Woman, Superman, Aquaman at Deadpool.

Sa ­Japan, ipapadala­ nila ­sina ­Naruto, Sasuke, ­Sakura, Kakashi at ang limang Kage (Hokage, Kazekage, Mizukage, Tsuchikage at Raikage).

Tutulong din sina Captain Barbell, Lastikman, Dyesebel, Cardo featuring Onyok & Awra, Gagamboy, Darna, Panday, ang mga sang’gre sa Encantadia ­pati na Mga Mulawin & ­Ravena.

Hindi pa kasama ang Tatlong Bibe riyan. Kasi, back up lang sila.

***

Kalat din ito sa iba’t ibang FB account…

BAD TRIP

May restaurant ­dito sa may Davao. Hindi ko na ime-mention, baka sumikat pa ang restaurant na ‘to.

Emergency lang sana, maki-connect ako sa wifi nila.

Naubos kasi ang data ko.

Dumaan ‘yung waiter. ­Sabi ko, “Anong password ng wifi?”

“ORDER KA MUNA,” sabi ng waiter.

So, nag-order muna ako at kumain.

Nang ­paubos na ang kinain ko, may dumaan ulit na crew. Sabi ko, “Kuya, anong password ng wifi ­ninyo?”

Sabi ng crew, “ORDER KA MUNA, sir…”

So, nag-order ako ng dessert. Alam mo ‘yung stressed ka na sa kakatanong ng crew…

Bad trip na talga ginawa ko. Kinausap ko na ‘yung manager. Tinanong ko sa ­manager ang password.

Sabi ng manager, “ORDER KA MUNA!”

Sa sobrang bad trip ko, umalis na lang ako.

Pag-alis ko, doon sa pintuan na glass, nakalagay…

WIFI PASSWORD: ORDER KA MUNA

***

FB post ng kaibi­gang ROBBY ­TARROZA:

May foreigner na nagtanong sa akin kung English o Metric system ba tayo.

Ang sagot ko: If you ask me my height, I’ll answer in feet and ­inches. But if you ask me how far my house is from here, I’ll answer in kilometers.

Ask me my weight, I’ll answer in pounds. But if we buy meat, it’s measured in kilos.

If we buy ice cream and paint, it’s in gallons and pints but if we buy petrol, it’s in liters.

Electric wire is sold by the meter in hardwares but fabric is sold by the yard.

Lots and houses are measured by square meter but the tiles and television you’ll put in there are in inches.

Swimming pools here are very confusing. The length is measured in meters but the depth is measured in feet.

Same with softdrinks, it’s sold in liters and ml but we also have a 12 oz. bottle.

Plus we have our own system of measurement: old newspaper is sold by the dangkal, text cards are counted by syllables and flood is measured by body part (ie, waist-deep).

So, I’m not really sure what system we’re using here.