Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patuloy na paghahari ng kabutihan sa gitna ng krisis!

0 474

Malinaw ang hamon ni Hesus sa tatlong talinhaga na kanyang ibinhagi sa mga alagad ngayong Ika-16 na Linggo sa Karaniwang Panahon ukol sa patuloy na paggawa ng kabutihan, gaano man kaliit upang lumago ang Kaharian ng Diyos at masawata ang kasamaan sa mundo. (Cfr. Mt. 13:24-43)

Sa Ebanghelo binibigyang diin ang ilang katotohanan ukol sa tunay na kalagayan ng tao sa mundo higit sa lahat, na hindi padalus-dalos sa paghatol ang Diyos sa taong masama. Hinahayaan Niyang sabay na amiral ang masama at mabuti upang matuto tayong pahalagahan ang pagtitiyaga sa buhay.

Paliwanag ni Fr. Jerry M. Orbos, SVD: “There are no instant and simple solutions in this world. There will be divine justice in the end when the evildoers will be punished and the righteous will be rewarded. In the meantime, the good and the bad will be allowed to grow together.”

Turo ng Simbahan, gaano man kahirap o katagal, kailangang manatili tayo sa panig ng hustisya at katotohanan, kumpiyansa na sa patnubay at tulong ng Diyos, mananaig ang kabutihan; at sa huli, makakamit rin natin ang inihandang hantungan ng Ama para sa tapat niyang mga anak.

Samatala, nakakagulat na turo ni Hesus, na may mga pagkakataon sa buhay na dapat tayong magpaubaya sa masama. Saad ni Bishop Teodoro C. Bacani, Jr.: “There are evils you must learn to tolerate, for sometimes the immediate removal of evil may entail worse consequences.”

Dagdag pa ni Bacani, “Yes, we must extirpate evil. But there are some evils, which we have to put up with for the sake of a greater good. Sometimes in the moral field, we are obliged to bear (but not approve!) evil in order to prevent greater evil.” Napakahalaga, aniya ang ‘discernment’ lalo na sa mga may katungkulan.

Sa kabuuan, hinihimok tayo ni Hesus ngayong araw na ituon ang ating atensiyon sa pagpapalaganap ng kabutihan lalo na ngayong marami ang naghihirap dahil sa pandemya. Hindi dapat natin maliitin ang anumang kontribusyon sa pagtataguyod ng Kaharihan ng Diyos at kabutihan ng lipunan.

Kaya patuloy nawa tayong magpunla ng mabuti para sa kapakanan ng kapwa-tao sa gitna ng krisis. Huwag lang sana tayong mag-intay at umasa na may magandang mangyayari sa mundo, tayo na mismo ang kumilos bilang mga katalista ng pagbabago, at bahala na ang Diyos sa sunod.

Leave A Reply

Your email address will not be published.