Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patuloy na pagsasanay sa mga pari

0 81

Ipinagdiriwang ng Iglesya tuwing unang araw ng Agosto ang Pista ni San Alfonso Maria Liguori, Pari at Doktor ng Simbahang Katolika. Ipinanganak ang pamosong Pundador ng mga Paring Redentorista sa Marianelli, Italy malapit sa Napoli noong Setyembre 21, 1696.

Sa panahong iyon, mayroong higit sa pitumpung libong pari sa Kaharihan ng Napoli. Kaugalian noon sa lugar na ipamana ng mga magulang ang kayamanan sa panganay na anak, kaya’t ang mga mas nakababatang anak na lalaki ay napipilitang mag-pari.

Wala kasing buwis ang Simbahan, kaya’t magandang buhay ang nakalaan sa mga kura— dahılan kung bakit marami sa kanila noon ang nadiskaril o naligaw ng landas at naging kahihiyan ng Iglesya. Upang tugunan ang problema, naghanap ng solusyon si San Alfonso.

Itinatag ng butihing Obispo ang programa para sa mga pari upang hikayatin silang maging tapat sa sinumpaan. Itinatag ni San Alfonso ang samahan ng mga Paring Redetorista na ukol sa pagmimisyon sa mga tagabukid. Personal na hinubog niya ang mga ito.

Related Posts

Sa pagsasanay sa mga pari, hinikayat ni Alfoso ang mga miyembro na maging bihasa sa pangangaral ng Salita ng Diyos at pagtuturo ng katesismo. Binigyang diin at tintukan niya ang maingat na pagpapakumpisal bilang daan ng pagbabalik-loob ng marami.

Kilala ng mga paring Redentorista sa pagkadalubhasa sa Kumpisalan bilang mga doktor ng moralidad katulad ng kanilang Tagapagtatag na laging aligaga sa panghihikayat sa mga taong mahalin ang Santisimo Sakramento at ang Mahal na Birhen.

Sa kasalukuyan, tutok pa rin ang Simbahan sa patuloy na pagsasanay ng mga pari. Mahalaga ang pagkakaroon ng mga banal na alagad ng Diyos ayon sa layon at puso ni HesuKristo. Ipagdasal natin ang ating mga kaparian upang sila’y maging tapat na instrumento ng habag ng Diyos.

San Alfonso Maria Liguori, Ipanalangin Mo kami!

Leave A Reply

Your email address will not be published.