Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Patutsada ng mga netizen! Voltes V ‘binaboy’ ng GMA

0 98

Pinuna ng ilang netizen ang tila pag-iiba sa istorya ng “Voltes V” ng Kapuso Network.

Ito’y matapos kumalat ang larawan ng dalawa sa mga bida ng Pinoy version na “Voltes V: Legacy” na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Makikitang nakayakap si Miguel kay Ysabel, na gaganap na Steve Armstrong at Jamie Robinson, ayon sa pagkakasunod.

Hirit ng mga netizen sa isang Facebook post, wala silang maalala na may love story ang sikat na 1970s Japanese anime.

“Wala akong maalalang may love story ang Voltes V. Alam ko tungkol ito sa Love nga pero para sa Ama,” sabi ng isang netizen.

“Ayan na! Babuyan na ng script!” react naman ng isa.

SM food to go Banner Ad

“Love teams are required in every seryes in our country,” dagdag ng isa pang netizen.

“Alam ko Daimos ang may love story….” sey ng isa.

Pero, panoorin muna ang ‘Voltes V’ bago husgahan para malaman kung mag-partner nga ba sina Miguel at Ysabel. Sey ng isang nagtanggol, baka naman para sa pictorial , promo lang ng cast ang naturang larawan.

Ang Voltes V ay kuwento ng pananakop sa Earth ng mga “horned humanoid alien” na kilala sa tawag na “Boazanians”.

Tinik sa lalamunan ng “Boazanians” ang tatlong magkakapatid na Armstrong at dalawang kaibigan nila na nagpapagana sa giant ultra-magnetic robot na tinawag na “Voltes V”. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.