Abante Tonite Interactive

Patutunayang ligtas sa COVID-19: Bora, Cebu, Bohol iikutin ni Digong

0 272

Ang turismo sa Boracay sa Malay, Aklan na naapektuhan ng CO­VID-19 na ngayon ay naging isang internatio­nal health concern ay ina­asahan na mapapa­lakas ang mga aktibidad sa isla sa nakatakdang pagbisita ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na ang Pangulo ay nakatakdang maglakbay upang patunayan na ang mga lugar sa Boracay, Cebu, at Bohol, ay ligtas mula sa COVID-19.

Magsisimulang maglakbay ang Pa­ngulo sa iba’t ibang panig ng bansa upang ipakita na ligtas ang mga lugar, sabi ni Puyat.

Ang Pangulo ay sasakay ng commercial (flight) at dadaan sa kaukulang mga protocol upang ipakita na ligtas na maglakbay sa buong bansa.

Ang pagsakay ng Pangulo sa commercial flights para sa kanyang pagbisita ay isang pagkakataon para sa lokal na pamahalaan upang ipa­kita at patunayan na ang pag-iingat na mga hakbang laban sa pagkalat ng virus ay nasa lugar ng mga port of entry.

Nabatid na tinata­yang 30 hanggang 40 porisyento ang ibinagsak ng tourist arrival dahil sa COVID-19.

Ang lokal na pamahalaan ng Malay ay sumali sa kampanya upang mapalakas ang domestic tourism matapos isulong Department of Tourism sa Western Visayas (DOT 6) para sa intra-regional na turismo mula noong ipagbawal ang mga international flight mula sa China simula nang pumutok ang COVID-19.

Ang pansamantalang pagsuspinde sa pagpasok ng lahat ng mga taong may travel advisory sa China, Macao at Hong Kong sa nakaraang 14 araw simula Pebrero 7 ay nakatulong sa posibleng pagpasok ng virus.

Ang nasabing aksyon, ay nabuo sa pamamagitan ng Executive Order No. 04 series of 2020, ay nagpakalat ng border patrols sa mga hangga­nan ng Malay upang suriin ang travel history ng mga pasahero lalo na ang mga turista.

Ang border patrols ay kinabibilangan ng local police station, the Philippine National Police mobile force company, ang Philippine Army, Muni­cipal Auxiliary Police, Malay Municipal Health Office at Municipal Touris­m Office ay nagbabantay sa mga boundaries 24/7. (Mina Aquino)