Abante Tonite Interactive

Paul, Gallinari, OKC ‘Di Magpapakabog

78

Key Players: Chris Paul, Danilo Gallinari, Nerlens Noel, Dennis Schroder, Steven Adams

Roster: Nerlens Noel, Dennis Schroder, Steven Adams, Deonte Burton, Hamidou Diallo, Terrance Ferguson, Devon Hall, Mike Muscala, Abdel Nader, Justin Patton, Andre Roberson

Key Addition: Chris Paul (trade), Danilo Gallinari (trade), Shai Gilgeous-Alexander (trade), Darius Bazley (draft), Luguentz Dort (draft)

Coach: Billy Donovan

Rank: 6th in Western Conference

Record: 49-33

Playoffs: 1st round (4-1) loss against Portland

Mga bagong bituin ang mangunguna at kikislap para sa Oklahoma City Thunder sa 74th National Basketball Association 2019-2020 sa pangunguna ni newly trade 9-time All-Star Chris Paul tapos mag-ober da bakod si Paul George sa Los Angeles Clippers at lumundag sa Houston Rockets si franchise player Russel Westbrook.

Gayunman, malaking adjustment ang magaganap dahil mangangapa pa si Chris sa sistema ng OKC partikular na sa kanilang offensive at defensive strategy. Asahan rin ang matagal-tagal na rebuilding dahil sa mga butas na dapat pa nilang ayusin.

Sa kabila nito’y tiyak na patutunayan ni Chris na sakto ang kinalalagyan niya sa Thunder at paninindigan ang magandang performance mula nakaraang 15.6 points, 4.6 reboounds, at 8.2 assists per game.

Patas naman ang pagkakaarbor kay Shai Gilgeous-Alexander kapalit ni Paul George bilang shooting guard. May average na 10.8 si Shai at ang itinatak niyang 3.3 assist per game ay naglahak sa kanya sa 90th sa NBA assist category.

Patatalasin din ng Oklahoma si Italian veteran forward Danilo Gallinari para makaratsada sa pagiging power forward. Kumbinsido ang koponan sa pag-step up ni Gallinari na determinado sa opensa patunay ng 19.8 points at 6.1 rebounds averages sa nakaraang kumperensiya.

Kung mapapanatili nito ang pagiging versatile sa loob ng court, malaking sandigan ito sa depensa at opensa dahil sa taglay ring `shooter behind the arc’ tapos maka-43.4% percentage sa 3-point line.

Samantala, masaklap man para sa pioneer na si Steven Adams na mapatunayang walang forever sa koponan tapos siyang mapag-iwanan gaya ng kaligang si Kevin Durant na lumipat sa Golden State Warriors taong 2016, determinado ang center at posibleng palobohin pa ang magandang record at average na 13.9 PPG at big-9.5 RPG na nagdala sa kanya sa 19th spot sa liga. (Aivan Episcope)