Abante Tonite Interactive

Paul, Gordon nagsiharabas; Rockets binusabos ang Mavs

By
1,161

Absent si James Harden, binalikat nina Chris Paul at Eric Gordon ang Houston para ihatid sa 105-82 panalo laban sa Dallas Mavericks Linggo ng gabi.

Nakabawi din agad ang Rockets na nabalian ng 17-game winning streak sa Toronto noong Biyernes.

Ipinahinga muna ni Ro­c­kets coach Mike D’Antoni ang kamador na si Harden dahil sa nananakit na tuhod, pero inaasahang lalaro kontra San Antonio ngayon.

Umiskor si Gordon ng 26, may 24 points at 12 assists si Paul para punan ang butas na iniwan ni Harden.

“What’s that? 30 points a night? But it just gave other guys an opportunity to step up,” wika ni Paul sa night off ni Harden.

Mula sa manipis na one-point lead sa break, kumalas ang Rockets sa third nang magkasa ng 22-10 run. Pasok ang una nilang 3 sa period at tumapos ng 17 for 45 overall sa labas ng arc. 6 for 11 si Gordon.

Tinapos ni Paul ang third na may 12 points at five assists nang ma-outscore ng Houston ang Dallas 32-16.

Sinelyuhan nang Rockets ang isang playoff spot sa West, 1 ½ games sa unahan ng Gol­den State para sa NBA best record nang matalo ang Warriors sa Minnesota 109-103 nitong Linggo rin.