Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul iingatan bola sa Game 5

0 81

Hindi mahawakan nang todo ni Chris Paul ang bola ng Phoenix Suns sa Game 4 ng 75th NBA Finals.

Sa final minutes, napuwersa sa dalawang turnovers ang veteran point guard at tumukod ang Suns sa Milawukee 109-103.

Inako ni Paul ang sisi sa 17 turnovers ng Phoenix kumpara sa 5 ng Bucks.

“It was me,” ani CP3 na naglista ng 5 miscues.

SM food to go Banner Ad

Hinayaan pa ng Suns na kumalawit ng 17 offensive Boards ang Bucks na nagresulta sa 19 second-chance points.

“They got a significant amount more shots than us, so for me I got to take care of the ball,” dagdag ni Paul, may 7 assists pero 5 of 13 lang mula sa field tungo sa 10 points.

Rumesbak si Suns star Devin Booker ng 42 points sa 17 of 28 shooting, pero napilitang maupo pagkatapos ng first minute ng fourth quarter matapos matawagan ng panlimang foul.

Nauwi sa best-of-three ang series, unahan muli sa Game 5 sa Lunes (araw sa Manila) sa Phoenix. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.