Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul inaming nakipag-date kay Mikee

0 71

NI: VINIA VIVAR

Umamin na si Paul Salas na “dating” sila ng kapwa-Kapuso star na si Mikee Quintos. Inamin niya ito sa episode ng Mars Pa More” few days ago.

Isa sa mga itinanong sa aktor sa segment na “Pasabog Na Chika” ay kung mayroon daw “something” sa kanila ni Mikee.

“Meron,” ang sagot ni Paul.

Nang mahingan ng paliwanag si Paul tungkol dito, sey niya, “Meron. Ano kami… ‘di kami nagmamadali pero dating kami. Dito ko lang sinabi ‘yan sa Mars (Pa More).”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Actually, ilang buwan na ring natsitsismis sina Paul at Mikee na nagkakamabutihan nga. Nabalita ngang magkasama sila sa isang bakasyon last December. Nagkasama ang dalawa sa “The Lost Recipe” last year at dito nga umano nagsimula ang kanilang magandang pagtitinginan.

Sa naturang episode pa rin, ikinuwento rin ni Paul ang naganap na emotional reunion sa kapwa child star na si Miguel Tanfelix.

“Nasa taping kami ng isang drama episode, MPK (Magpakailanman) po, then first time namin magka-work since noong nag-audition kami noong maliit pa kami.

“Then, nag-aaral kami ng script sa tent tapos after no’n medyo may awkward silence tapos sabi ko, ‘Grabe no, ang dami nating pinagdaanan tapos ngayon lang tayo nagka-work tapos ganito na tayo, medyo matanda na tayo, medyo pa-mature na tayo.’”

“Tapos sabi niya, ‘Oo nga no pero masaya ako na nagka-work tayo na nandito ka so sana magka-work pa tayo sa any regular na show and teleserye,’” tsika ni Paul.

Leave A Reply

Your email address will not be published.