Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul ipapagpag ang kalawang

0 102

MUKHANG kinalawang si Chris Paul sa una niyang laro sa West finals matapos sumailalim sa NBA health and safety protocols.

Wala ang veteran point guard sa unang dalawang laro na kinubra ng Suns sa Phoenix.

Pagbalik ng 36-year-old sa Game 3 noong Huwebes sa Los Angeles, taob ang Suns sa Clippers 106-92.

Epektibo pa rin si Paul sa distribusyon ng bola – namigay si Paul ng 12 assists sa loob ng 39 minutes – pero 5 of 19 lang mula sa field tungo sa 15 points.

Si Kawhi Leonard (knee) ang hindi pa rin mapapakinabangan ng LA sa Game 4 ngayong araw.

Kasama ang pamilyang nanonood ng Game 3 si Leonard, nakapuwesto sa isang suite sa Staples Center.

Sa halftime, pumasok siya ng locker para palakasin ang loob ng teammates.

Binitbit ng 27 points, 15 rebounds at 8 assists ni Paul George ang Clippers noong huli, umayuda ng 23 si Reggie Jackson.

Nalimitahan sa 15 points si Devin Booker, ang 18 ni Deandre Ayton ang bumalikat sa Suns. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.