Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul kinukulit ng Lakers

0 167

Santong paspasan ang panliligaw ng ilang Lakers fans kay Chris Paul.

Sabi ng isa, ang paglipat sa Los Angeles lang daw ang paraan para maging Hall of Famer si Paul at makakuha ng ring.

Libre na si Paul pagkatapos ng isang maangas na season sa Oklahoma City. Magandang sahog daw ang laro ng 35-year-old playmaker kina LeBron James at Anthony Davis sa paghahabol ng Lakers ng back-to-back championship sa susunod na season.

Magkaibigan din sina Paul at LeBron.

SM food to go Banner Ad

Tahimik si CP3, si Kevin Durant ang pumatol.

Sa Instagram, sumagot si KD na nakakatawa raw ang pitch ng fan.

Hindi na aniya kailangang magsuot ng purple and gold si Paul dahil ngayon pa lang ay pang-Hall of Fame na ang career nito.

“LMAO Chris Paul in the Hall of Fame already,” sundot ni KD, dati ring forward ng Thunder at naging two-time champion sa Golden State bago tumawid ng Brooklyn. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.