Abante Tonite Interactive

Paul Lee, misis nagpainit

0 838

Kakaibang Paul Lee ang nasilayan sa ­social media habang kinokorner ng kanyang asawa.

Sa Instagram ay ‘­nakaiskor’ ang ­Magnolia star sa kanyang asawa na si Rubie Chua-Lee na tila ready na ang dalawa para sa tag-ulan.

Sinisi pa ni Lee ang bagyong Tisoy sa gagawing ‘naughty’ nilang mag-asawa.

“Feeling ko andumi-dumi ko ngayon,” ayon sa top guard.

“‘Yung tipong against the will ko pero wala akong magawa eh, siya kasi ung batas at sumusunod lang ako,” ayon sa caption ni Lee.

Maging ang kasama sa PBA na si Mark Caguioa at three-time UAAP Finals MVP Thirdy Ravena ay nagulat sa post ni Lee. (RP)