Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul, Middleton kayod sa Game 1

0 135

Bukod kina Devin Booker at Deandre Ayton, isa sa lalagare sa Phoenix Suns si Chris Paul.

Samantalang sa wala pang katiyakang pagbabalik ni Giannis Antetokunmpo sa Milwaukee Bucks, isa tatlong mangangalabaw din si Chris Middleton bukod pa kina Brook Lopez at Jrue Holiday.

Kaugnay ito sa pagsambulat ng 75th National Basketball Association 2020-21 best-of-seven Finals Martes (Miyerkoles sa Maynila) sa Phoenix Suns Arena sa Arizona ng dalawang kampo.

Unang pagkakataon ng Bucks ito sa league finale sapul noong 1974 matapos sikwatin ang nag-iisang Larry O’Brien Trophy noong 1971.

Bokya pa sa championhip ang Suns pero nakapag-Finals na rin noong 1993 at 1976. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.