Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul namudmod ng assist vs Pels

0 47

NAMIGAY ng season-high 19 assist si Chris Paul, minanduhan ang 11-point fourth-quarter fightback ng Phoenix para takbuhan ang New Orleans 132-114 kahapon.

Puminta pa ng 15 points si Paul kabilang ang step-back 3 na nagbigay sa Suns ng 118-107 lead bahagi ng 27-5 run ng Phoenix kulang 5 minutes pa na bahagi.

Walang naisagot ang Pelicans sa stretch at sa 2:26-minute mark ay inilabas na ng magkabila ang kani-kanilang starter.

Na-outscore ng Suns ang Pelicans 41-12 sa final 12 minutes.

SM food to go Banner Ad

Mula sa labas ng arc ay 22 for 39 ang Phoenix, tatlo rito kay Paul. Naka-anim na 3s din si Jae Crowder tungo sa 20 points, at may lima mula long distance si Frank Kaminsky para sa 17 markers.

Binitbit ng 23 points ni Devin Booker ang Suns.

Umabante ang New Orleans 102-91 nang tapusin ni Zion Williamson ang third quarter sa alley-oop dunk.

Namuno ang 25 points ni Brandon Ingram sa New Orleans, tumapos ng 23 si Williamson. Anim na tres din ang pinakawalan ni Lonzo Ball tungo sa 21 points, may sahog pang 12 assists, 2 blocks at 3 steals. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.