Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul No. 3 na sa assist

0 206

Pangatlo na sa NBA all-time assists list si Chris Paul, namigay ng 18-dime nang manduhan ang atake ng Phoenix Suns sa 112-100 panalo laban sa New Orleans Pelicans na bumisita sa Talking Stick Resort Arena sa Arizona nitong Martes.

May sahog pang 14-point at 7-rebound si Paul. Sa mga assist ng 36-year-old veteran playmaker, limang Suns pa ang umiskor ng 13 pataas sa pangunguna ng 22 ni Mikal Bridges.

May tig-18 din sina JaVale McGee at Devin Booker sa Phoenix.

SM food to go Banner Ad

Nakatipon na si Paul ng 10,346 career assists, nilaktawan sa all-time list sina Mark Jackson (10,334) at Steve Nash (10,335).

Nasa unahan ng listahan sina Jason Kidd (12,091) at John Stockton (15,806).

Anemic ang umpisa ni Paul, nag-init pagbalik mula sa break nang ilista lahat ng kanyang puntos at pakawalan ang 10 assists.

Kinapos naman ang 23-pt., 13-reb. ni Jonas Valanciunas sa New Orleans. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.