Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul, OKC kakain pa

0 175

Dahil kay Mike Muscala ng Oklahoma City Thunder, nagkaroon bigla ng first-round pick sa 2020 Draft ang Philadelphia 76ers.

Sa 3-pointer ni Muscala 5.2 seconds na lang sa orasan, nakumpleto ng Thunder ang ahon mula 22-point down para takasan ang Miami Heat 116-115 noong Miyerkoles.

Nakasiguro ng isang first-rounder ang 76ers dahil sigurado nang tatapusin ng OKC ang season sa top-10.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa Markelle Fultz trade noong February, maliban kay Jonathan Simmons ay nakuha ng Sixers ang top-20 protected first-round pick ng Thunder.

Dumating sa Philly si Muscala via three-team trade noong July 2018. Kasama siya sa trade package na kapalit ni Tobias Harris mula Clippers, walang 24-oras ay pinamigay din siya sa Lakers.

Noong July, pumirma si Muscala sa OKC.

Marami ring humula na walang kakainin ang Thunder dahil nawala sina Russell Westbrook at Paul George. Pero sa likod nina 35-year-old Chris Paul, 22-year-old Shai Gilgeous-Alexander, Dennis Schroder, Nerlens Noel at Muscala ay No. 4 pa sa West ang Oklahoma City, haharapin sa first round ang No. 5 Houston. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.