Abante Tonite Interactive

Paul OKC lang ang pupuntahan

405

Mukhang mananatili rin sa Oklahoma City si Chris Paul para maging starting point guard ng Thunder.

Walang mahanap na trade partner ang OKC na puwedeng paglipatan kay Paul, galing Houston Rockets na ipinalit kay Russell Westbrook.

Lumipat na rin ng Los Angeles Clippers si Paul George, tuloy ang rebuilding process ng Oklahoma City kaya hinahanapan ng pagbibigyan kay Paul, 34.

May tatlong taon pa si Paul sa kontrata na nagkakahalaga ng $124 million.

Naiulat na isa sa posibleng destinasyon ni Paul ang Miami Heat na dati nang nagpahayag ng interes kay Russell Westbrook.

Pero walang nangyari sa usapan, kaya mananatili pa sa OKC si Paul. (VE)