Abante Tonite Interactive

Paul sinisi ang sarili sa dami ng turnover

364

Iwan na naman ang Houston Rockets 3-2 sa Western Conference semifinals matapos isurender ang Game 5 104-99 sa Golden State Warriors, Miyerkoles ng gabi.

Uuwi ng Houston si James Harden at ang Rockets na must-win sa Game 6 sa Sabado (araw sa Manila) para makaiwas sa maagang bakasyon. Game 7 kung sakali ay babalik ng Oakland.

“It’s a do-or-die, but I feel good about it,” ani coach Mike D’Antoni.
Kinubra ng Rockets ang Games 3 at 4 sa sariling teritoryo para ibuhol ang series.

Kumapit ang Warriors sa panalo kahit nawala sa third quarter si Kevin Durant (right calf strain).

Si Harden, nag-deliver ng 31 points mula 10 of 16 shooting, may 8 assists pa. Bago ang laro ay namumula pa ang kaliwang mata na nahambalos ni Draymond Green noong Game 2.

“Tough loss. We had opportunities,” bulalas ni Rockets guard Chris Paul. “Reboun­ding, we actually were right there in the rebounds. We’ve got to be better, offensively, defensively, especially myself, turnovers. We didn’t get stops when we needed to.”

Trend ng series na kung sino ang nangi­babaw sa rebounding department ay mananalo. Bentahe ang Golden State sa boards noong Games 1 at 2, Miyerkoles ay ungos din sila 42-39.

Si PJ Tucker, nagbaba ng 10 boards at may 13 points sa Rockets. May 22 rebounds siya sa naunang dalawang laro. Outrebounded ng Rockets ang Warriors sa Game 3 55-35 at sa Game 4 50-43.(VE)