Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul Suns pa rin sa P4B

0 43

Hindi man lang kumurap si Chris Paul nang magdesisyon na babalik sa Phoenix.

Maraming manliligaw ang Point God, pero mas piniling manatili sa team na kinapos sa NBA Finals nitong nakaraan playoffs.

Mas malaki ang offer ng Pelicans. Ineengganyo rin siya ng Knicks para maglaro sa Madison Square Garden.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa halip, ikinabit ni Paul ang lagda sa bagong $75M (mahigit P3.7B) contract na inihatag ng Suns.

“It was an easy decision,” ani CP3 kay Jeff Zillgitt ng USA Today Sabado. “Not only did I love the basketball aspect, I’m close to family (in Los Angeles) and Phoenix is a family, too. I’m excited to be back there.”

Babalik bilang defending Western Conference champions ang Suns, pero mas mabigat ang trabaho nina Paul, Devin Booker, DeAndre Ayton, Mikal Bridges sa parating na 76th season.

Pinakamalaking balakid sa West ang retooled Lakers, biggest addition nitong offseason si Russell Westbrook na isinahog kina LeBron James at Anthony Davis. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.