Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul susungkit ng unang titulo

0 96

Walang duda, pang-Hall of Fame ang career ni Chris Paul.

Sa kaagahan ng career, tinawag pa ang playmaker na ‘Point God’.

Pero sa 16 years niya sa NBA, missing sa kanyang makulay na resume ang NBA title.

Maaari na niyang idagdag ‘yun kapag nanalo ang Phoenix Suns kontra Milwaukee Bucks sa Finals.

Game 1 sa Miyerkoles (araw sa Manila) sa Phoenix.

Mailap ang championship kay Paul, 36.

SM food to go Banner Ad

Rookie of the Year (2006), 11-time All-Star, All-Star Game MVP (2013), seven-time All-Defensive First Team, four-time Assists Leader, six-time Steals Leader.

Pero walang ring.

Naglakbay na siya sa New Orleans, Los Angeles, Houston, Oklahoma City pero laging kapos. Sa first season niya sa Phoenix, lumapit siya sa Larry O’Brien Trophy.

Pinakamaangas noong nasa Clippers si CP3, kasama si Blake Griffin mula 2011-2017 pero hindi sila nakaalpas sa second round ng playoffs.

Kung hindi si Paul ang injured, mga kakampi niya naman.

Sa likod nina Devin Booker at Deandre Ayton, baka makuha na ni Paul ang ring. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.