Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paul vs Harden sa patayang Game 7

0 72

Nag-take charge si Chris Paul sa fourth quarter, may sorpresang ayuda si rookie Lu Dort, at naigapang ng Oklahoma City ang 104-100 panalo kontra Houston.

Nagbuhol ang series sa 3-3, napuwersa ang winner-take-all Game 7 ngayong araw.

Pagkatapos ng panalo, may shoutout si Lakers star LeBron James:

“CP3!!!!!!! Put some respect on his name and more!”

Nilista ni Paul ang 15 sa kanyang 28 points sa fourth kabilang ang clutch free throws para sa 102-100 lead. Nag-ambag si Danilo Gallinari ng 25 points huli ang dalawang free throws ng laro.

Epektibo sa magkabilang dulo si Dort. Tinokahang dumipensa kay James Harden, gumana rin ang opensa ng Canadian.

Abante ang Rockets 75-69 sa dulo ng third, naglunsad si Dort ng solo 8-0 run tampok ang back-to-back 3s tungo sa two-point Thunder lead papasok sa fourth.

Tumapos si Harden ng 32 points, 8 rebounds at 7 assists. Nagdagdag si Russell Westbrook ng 17 points at 7 turnovers. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.