Abante Tonite Interactive

Pauleen gustong masundan agad si Baby Talitha

By
Mommy Poleng
124

MASAYA naman ang lahat na nakapanood sa Meant To Beh na nagkaroon ng premiere night sa Cinema 9 ng SM Megamall last Wednesday. Tama nga ang sabi nina Vic Sotto at Dawn Zulueta, ang cute na si Baeby Baste ang pansing-pansin sa pelikula.

Siya nga ang reve­lation sa pelikulang ito na kuwento ng pang-millennial na pamilya.

agaling si Baste rito, na sabi nga ni Bossing Vic, hindi pa raw ito marunong magbasa ng script, ang galing niyang mag-dialogue at feel na feel niya ang role bilang bunsong anak nina Bossing Vic at Dawn.

Nakikita namin doon sa premiere night kung gaanong ka-close si Baste kay Bossing Vic at Pauleen Luna na all-out ang suporta sa kanyang asawa. Sabi ni Bos­sing, talagang close si Baste sa kanila, lalo na kay Pauleen na napakahilig sa bata.

Kaya naman enjoy na enjoy ito nga­yon sa pag-aalaga sa kanilang baby na si Baby Talitha.

“She’s very hands on. Mahilig siya sa bata eh. Kaya, she’s very close to Baste, to Ryzza Mae.

“Lalo na to, a daughter of her own na talagang isa ‘yun sa mga gusto niyang maging… maging nanay, magkaroon ng sariling anak,” sabi ni Bossing.

Tuwang-tuwa ngang kinuwento ni Bossing Vic ‘yung adjustment niya na may baby na sa kanilang kuwarto, at minsan ay siya pa ang nag-aalaga.

“Nabago sa akin ‘yung sleeping ha­bits. Parang natututo pa lang akong matulog ng may nagsasali­tang bata. Dati sanay akong tahimik lang. Pero ngayon may nag-iingay na bata.

“‘Yung baby namin mahilig sa tsika eh. Hindi siya iyakin pero maingay.”

Natatawa rin si Pauleen na sinundan niya ng kuwento na mukhang magigin­g madaldal daw ang baby nila.

“Hindi siya umiiyak, pero sobrang i­ngay niya. Kahit dumedede maingay siya. Kahit tulog, parang gustong magdaldal. Parang gusto niyang may kausap. Kahit nga tulog, may ingay pa rin siya. Parang madaldal,” dagdag na kuwento pa ni Pauleen.

Natawa siya sa sinabi naming sa kanya nagmana, pero tingin daw niya sa tatay nagmana ng pagiging madaldal.

“Parang feeling ko siya ‘yung tipo ng bata na paglaki mas gusto niya ‘yung tao kesa toys. Feeling ko eh. ‘Di ba may ganu’ng bata?” sabi pa ni Pauleen.

Masaya naman siya dahil habang tumatagal, nama-master­ na raw niya ang mag-alaga ng baby.

Kahit masundan agad, okay lang daw sa kanya.