Abante Tonite Interactive

Pauleen Luna, naiyak nang maaninag ang mukha ng baby girl niya

By
20

PINASILIP sa amin ni Pauleen Luna ang 4D Sonogram ng baby girl na nasa sinapupunan niya. Hindi niya napigilang maluha nang makita niyang naaaninagan na ang cuteness, matangos ang ilong at mukhang mataba pa.

Seven months na ang ipinagbubuntis niya, kaya regular na siyang nagpapa-check up at itong latest nga ay nagpa-4D Ultrasound na siya.

Tuwang-tuwa nga si Bossing Vic Sotto nang makita niya ang video, kaya lalong na-excite ang mag-asawa sa pagdating ng kanilang baby.

Kaya nga sinasabi ni Bossing Vic sa huling interview namin sa kanya, sobrang excited siya sa darating na December dahil bukod sa pang-MMFF entry niyang Meant To Beh, may bagong baby siyang darating. Parang first time Dad nga raw ang feeling niya.

Ayaw sabihin sa amin ni Bossing Vic kung ano ang ipapangalan nila sa baby. Si Pauleen na lang daw ang bahalang mag-announce.

Sabi ni Pauleen, may napili na raw siyang name na kinuha niya sa Bible, pero sabihin na lang daw niya pagkapanganak.

Nabanggit niya sa amin ang name na dalawang pangalan ang napili niya, pero nangako kaming huwag nang isulat.

Sa susunod na buwan na ang baby shower niya kaya napagpa-pictorial na sila ni Bossing Vic na hinanda ng Nice Print.