Abante Tonite Interactive

Pauleen nag-emergency caesarian sa panganganak

By
34

MALUWALHA­TING ini­luwal ni Pauleen Luna ang panganay nila ni Vic Sotto kahapon ng 3:51 ng madaling-araw.

Masayang in-announce ni Bossing Vic sa Eat Bulaga kahapon na isang bouncing baby girl ang isinilang ni Pauleen.

Text sa amin ni Pauleen na emergency caesarian daw siya dahil nakaka­ramdam na raw siya ng contractions kaya isinugod na siya sa hospital. Hindi pa namin nakakausap ang actress/TV host dahil kagagaling lang sa operasyon.

Kaya ang nakuha lang naming impormasyon ay 6.9 lbs daw ang timbang ng baby at tuwang-tuwa ang mommy at daddy ni Pauleen dahil kamukha raw nila ang baby.

“Kamukha sya ni Daddy hehehe,” text sa akin ni Pauleen.

Kaya tuwang-tuwa ang Mommy ni Pauleen nang nakausap namin dahil kamukha raw nila ang kanilang 1st apo, at ang taba raw ng baby.

Pero si Bossing Vic siyempre ang pinakamasaya dahil feeling nga raw niya, parang nanga­nganay daw siya. Duma­ting na nga raw ang reyna, sabi ni Bossing.

“Bouncing baby girl. Tumatalon-talon na agad!” sabi ni Bossing kahapon sa Eat Bulaga.