Abante Tonite Interactive

Pauleen napikon sa mga fan ni Maine

By
0 5,062

NAPIKON na si Pauleen Luna sa ilang fans ni Maine Mendoza na namba-bash sa kanya.

Ang dahilan lang naman ng ikinagalit nila kay Pauleen ay hindi raw ito close kay Maine.

Matagal na ang isyung ‘yan at sinagot na ‘yan noon ni Pauleen. Dedma na lang siya sa mga nanlalait, pero ito ngayon ay hindi na niya pinalampas dahil pati ang anak niyang si Baby Talitha ay idinamay na.

“Dati, hindi ko na pinapansin eh. Pero itong huli pati si Vic dinamay na. Nainis na ako. Pero itong huli si Tali na,” pahayag ni Pauleen.

Mahaba ang mga ipinost ni Pauleen sa kanyang Twitter account na @mariepauleensotto na nagpapaliwanag tungkol sa hindi niya ganun ka-close kay Maine.

Sabi niya; “I DO NOT DISLIKE MAINE! I don’t know where some people got that idea. How I wish she would stay in the studio so we could all be close! But since she’s in the barangay, we don’t get the chance to bond katulad ng mga nasa Broadway.”

Magkakasunod itong mga ipinost niya nu’ng kamakalawa lang na nagpapaliwanag na okay silang lahat na Dabarkads sa Eat Bulaga.

Sabi pa ni Pauleen: “Some of you think that I hate her, why??? Bakit kailangan niyo mag-imbento? Again, we are a family in Eat Bulaga! Everyone of us! Wag niyong pilitin na ‘pag-awayin’ kami cos it will NEVER happen! I’ve been on the show for 13 years so please, take it from me na pamilya kami doon.”

Nilinaw din ni Pauleen na hindi siya galit sa AlDub Nation. Napuno na lang talaga siya dahil sobra ng personal ang sinasabi ng iba, at hindi na raw niya kayang palagpasin na pati ang anak niya ay idinamay.

Sabi ni Pauleen: “Please stop putting words into my mouth. Not because sinagot ko ‘yung fans noon, galit ako sa Aldub Nation. Naiinis ako pag may inaaway, yes. Kasi hindi naman kailangang mang-away! Maine said that herself! What I seriously do not understand is the fact that some of you ‘think’ that.”

Pahayag naman ni Pauleen tungkol sa pagdamay sa kanyang anak: “And lastly, leave my 3 month old daughter out of this!!! I would like to make it clear that I NEVER got mad at anyone who said Talitha looks like Ryzza! Stop inventing, Naiinis ako sa mga tao na nagsasabi na magkamukha sila na may Malice! Meaning, pag may sad face, meaning nilalait nila si Ryzza!

“I’m mad because children should be spared sa kung ano mang hate and meron ang ibang tao. Now, if you continue to put words into my mouth and continue to say bad things about these children, I will definitely report you to NBI.”

Pahayag pa ni Pauleen nang nakausap namin kahapon: “Si Ryzza actually ang kawawa. Hindi nila ma-grasp yung konsepto na parang huwag n’yong ikumpara kay Ryzza kasi ang pagkumpara sa kanya masama. May malisya talaga.

“Maawa naman kayo dun sa bata. More on kay Ryzza eh…yung tina-tag pa siya. Kawawa naman.”

Sa totoo lang, pinaimbestiga na ni Pauleen ang nagma-may-ari nu’ng account na @setmainefree, pero na deactivate na raw ito.

Hindi sa kung ano pa man, willing daw siyang iparating ang reklamo sa NBI at kasuhan dahil mga bata ang involved dito.

Gusto lang daw niyang protektahan ang anak niya at pati na rin si Ryzza Mae na nadadamay sa pamba-bash sa kanya.

Mark binulabog ng kampo ng sikat na aktor

TOTOO kayang nakakatanggap daw si Mark Bautista ng ilang tawag mula sa kampo ng sikat na aktor?

Tipong may pa-guilty na kesyo hindi man lang daw iniisip ang anak ng sikat aktor na apektado rin sa pasabog ni Mark sa libro.

Umiiwas pa si Mark na pag-usapan ito dahil ayaw na rin niyang lumaki pa ito. Naka-focus lang daw kasi sa isang bahagi na iyun ng libro. Sana mabasa naman daw ang buong libro, dahil marami pang pasabog, at hindi lang dun sa mainit na pinag-uusapan pa rin.

Kagabi, umapir na si Mark sa publiko. Na­ging special guest siya ni Joanna Ampil sa Love Wins Valentine concert.

Naikuwento ni Joanna na kinausap daw siya ni Mark na nag-aalangang sumali sa concert dahil baka makaapekto pa raw ang isyu niya at ang matinding­ rebelasyon sa libro.

I think more than anything nag-worry lang siya sa akin. He’s a true friend na o baka ma-affect yung show mo kasi magkakaroon ng focus sa iba.

“Sabi ko, ‘you know what Mark, it doesn’t matter. At the end of the day, masaya ako na kasama kita sa concert,” seryosong pahayag ni Joanna.

Bumilib siya lalo kay Mark sa tapang nito. Although, matagal na raw itong ipinagtapat sa kanya, at tinanggap niya nang buong-buo ang kanyang kaibigan.