Abante Tonite Interactive

Pauleen pumalag sa kantang konek kay Pepsi Paloma

2,314

NI: ARCHIE LIAO

Habang naka-community quarantine,ipinakita ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang kanilang pakikiisa sa sambayanan sa pamamagitan ng pamamalagi sa bahay,pagdarasal at pag-awit ng worship songs.

Maraming naaliw sa kanilang kantahan video na nai-share sa social media.

Sa kabila ng lahat, naisingit ng isang netizen ang pag-iintriga sa mag-asawa.

Humiling ito na awiting Spoliarium na pinasikat ng bandang Eraserheads.

Dahil dito, pumalag si Pauleen at pinangaralan ang nabanggit na netizen.

Sey niya: “Hi, during this time, please stop the

hate. We are praying for the good of all, including you,” aniya.

Ang Spoliarium ay ang kontrobersyal na kanta ng Eraserheads na ang lyrics ay may reference umano sa naging rape issue noon sa pagkamatay ng softdrink beauty na si Pepsi Paloma.

Tonite – Wendys Inhouse Ad