Abante Tonite Interactive

Pauline bilib kina Dingdong, Dennis

By
214

Napapanood ngayon ang Kapuso teen actress na si Pauline Mendoza sa teleseryeng “Cain at Abel” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Inusisa namin si Pauline dahil parang may nagsasabi na hindi raw masyadong meaty ‘yung role niya sa “Cain at Abel” unlike sa “Kambal, Karibal?”

“Okay naman po ‘yung role ko sa ‘Cain at Abel’ kasi may bago naman po roon eh, magkaka-love interest ako, na mismong sa akin talaga,” saad sa amin ni Pauline nang makahuntahan namin sa birthday cele­bration recently ni Kenneth Adam, panganay na anak ng BeauteDerm lady boss na si Ms. Rhea Tan.

Abante Hiring – IT dep

Dagdag pa niya, “Actually, ‘yung episode ngayon ay magkikita na kami ni Rafael, bale siya si Vince Vandorpe.

“Hindi kami nag-workshop, pero sa set na mismo, nag-uusap kami, may acting coach kami. Sinasabihan kami na kailangan naming mag-build ng relationship… kasi, first time kong makaka-work si Vince, so hindi ko siya talaga kilala exactly.”

Paano niya ide-describe katrabaho sina Dingdong at Dennis?

“Si Kuya Dennis sobrang galing na aktor, kagaya din ni Kuya Dong. Talagang seryoso sila sa trabaho, as in, makikita mo talaga sa kanila ‘yung pagmamahal nila talaga sa trabaho nila.

“Si Kuya Dong ‘yung madalas na­ming nakakaeksena, kasi sa role namin, siya ‘yung tumutulong kaya madalas siya ‘yung nakakatrabaho namin. Mabait po si Kuya Dong, pati rin si Kuya Dennis. Seryoso talaga sila sa trabaho. Tsaka tulu­ngan po kami talaga.

“And, masaya ako kasi nakatrabaho ko po uli si Kuya Dong, kasi nakatrabaho ko na po siya sa ‘Alyas Robinhood.’ Bale, rito sa ‘Cain at Abel’ ay second time na po,” sambit pa ni Pauline.

Paano niya ide-describe ang 2018?

“Well, 2018 is like a roller coaster ride, marami ring pumasok na problems, marami ring pumasok na positive, negative, halo-halo na, kaya nga sabi ko roller coaster ride po siya, pero masaya po.

“Yes, nag-boom ang career ko lalo na noong pumasok ang ‘Kambal, Karibal.’ Tapos na-nominate rin po.”

Ano ang wish niya para sa 2019? “Siguro, ine-expect ko, sana magkaroon pa ng more projects.

“Movies? Mayroon po pala ako dapat gagawin na movie, pero parang ‘di po yata bumagay ‘yung role kasi masyadong matured ‘yung kailangan na gawin, medyo parang showy kasi, so huwag muna. So ngayong 2019, hopefully,” nakangiting wika pa ni Pauline.